Panalangin para sa Pagtataguyod ng Kapayapaan at Pagbabago ng Lipunan

(Adapted from Prayer for Peace building and Social Transformation.)

O Kabanal-banalang Puso ni Hesus, ang masalimuot na realidad ng aming sugatan at makasalanang Bansa ang siyang nag-uudyok sa amin na muling tumugon at hanapan nang karampatang lunas ang mga suliranin at krisis na kasalukuyang bumabagabag sa amin.

Kami ay mga makasalanan; at ang aming mga puso’y bitak at nagkalamat na,  halos maubusan na ng pangarap at pag-asa. Gayon pa ma’y tiklop-tuhod kaming nananalangin sa Iyo, o Panginoon, kinakailangan namin ang Iyong kabanal-banalang puso, o Hesukristo, sapagkat hinahangad naming kami ay Iyong tipunin nang muling mabuo ang tamang pagmamahal na naglaho.

Nakaugat sa pananampalataya sa Iyo at pagmamahal sa Bayang hinirang, marubdob naming ninanais na makiisa sa Iyong gawain ng paghilom at pagbubuo, upang sa gayo’y unti-unti naming mabago ang aming sarili, ang aming pamilya, ang aming lipunan at bayang tinubuan.

Sa pamamagitan ng Iyong mapagpalya’t nakapagpapabagong pagmamahal ng iyong Kabanal-banalang Puso, kami ay huhugot ng bagong lakas, bagong sigla, bagong pag-asa upang muling hanapin at mahalin kung ano ang totoo at tama, kung ano ang tapat at nararapat. Sa kahuli-hilihan, naway ang pagtibok ng aming puso ay maging kawaingis ng pagtibok ng Iyong Puso, upang aming iwaksi ang iyong iwinawaksing  kasamaan at yakapin ang Iyong niyayakap na kabutihan, alang-alang sa aming sarili, sa aming kapwa, sa aming bayan.

Idinadalangin din naming ang kaligtasan at kapayapaan ng kalooban ng mga makabagong propeta sa aming lipunan—sila na hindi natatakot sumailalim sa pangingilatis at pangungutya upang maipagtanggol lamang ang tama at kabutihan. Idinadalangin din namin sila ring nag-iisip pa lamang na lumuntad at simulan ang laban para sa katotohanan . Naway mapuspos silang lahat ng higit pang tapang at lakas ng loob upang maisiwalat ang totoo at tuluyang mapuksa ang panloloko. Idinadalangin din namin ang ilan pa naming kababayan, lalung-lalo na ang naturingang tagapaglingkod sa pamayanan subalit patuloy na nagkukubli sa kadiliman ng pandarambong at pandaraya. Nawa’y mapuspos sila ng biyaya ng katapatan at kababaang-loob, upang kahit unti-unti, maunawaan nila ang kabuktutang idinulot nila sa lipunan at nang sa gayo’y muling maisaayos ang nasirang ugnayan sa pamamagitan ng pagharap nila sa katarungan.

O Pagmamahal ng kabanal-banalang Puso ni Hesus, tulutan Ninyo po kami ng lakas ng loob at tapang. O Karunungan ng kabanal-banalang Puso ni Hesus, turuan Ninyo po kami manalangin at kumilos nang may bagong pag-asa at pagmamahal para aming kapwa at Bansa.

Kabanal-banalang Puso ni Hesus, Kaawaan Mo kami.

Amen.

Contact Us

Simbahang Lingkod ng Bayan
Loyola House of Studies
Ateneo de Manila University
Loyola Heights, Quezon City
(632) 426-6101 loc. 3440/3441

EMAIL US

Join our Cause

Click on this link to know more about how you can be part of SLB. Various opportunities await for students, young professionals and like-minded organizations.

CGE RADIO

Listen to CGE Radio on Radio Veritas 846 every Sunday from 3:00pm to 4:00pm. Live video and audio streaming available here.

Follow Us